Titipik-tipik ng Agham

Hulyo 2002 hanggang Pebrero 2003


Katha
Dalaw
Hanapbuhay
Ugnayan

Iilang Butil ng Agham

Agham at Lipunang Pilipino (PowerPoint presentation format)
    Balangkas ng Agham
  1. Katuturan
  2. Kapamayanihan

Ano ang agham, at bakit kailangan nating mga Pilipino manalig dito?

Ang agham ay ang pananaliksik ng tao sa mga bagay na nilalang ng Maykapal. Haligi ng agham ang pagsuri. Kailangang pansinin nating mga tao na hindi basta-basta nangyayari ang mga bagay. Buti't nariyan si Isaac Newton upang maihayag sa sangkatauhan ang pagkakaroon ng likas na pag-akit ng mga bagay sa isa't isa. Bago tayo pinang-aralan ni Ginoong Newton, `di man lang natin nabigyan ng halaga ang tuwinang pangyayaring paglaglag ng mga bagay (gaya ng mansanas) tungo sa lupa.

Taga-Inglaterra si Newton, nguni't kadalasa'y sa wikang Latin ito nagsulat. Obra maestra niya ang Prinicipia Mathematica (o ang mga pirinsipyo ng matematikas). Ipinagsanay ni Newton ang kaniyang mga mambabasa sa mga kaniyang pagsalarawan ng mga masalimuot na pag-ganap ng pag-ipit sa mga abstraktong guhit pag-abot nila sa mga walang-pinaghahangganang dulo. Kahit noong dinugtungan ni Alberto Einstein ang kaniyang mga koreksyon sa mga naunang pormulasyon ni Newton, naging kasangkapan din ni Einstein ang geometry, at pinararating ito sa atin ni A.E. mismo sa kaniyang pambungad sa sarili niyang aklat tungkol sa Pananaw niya sa Ikinauugnayan.

Bukod sa mga aral na guhit ni Newton tungkol sa mga nasusukat palang mga batak ng kabigatan, naisilang din sa pagtitiyaga ni Newton ang kapanutuhang Calculus. Sa ibayong-dagat, natuklas din nang mag-sarili ni Leibniz sa Aleman ang naturang disiplinang calculus. Dakila ang dalawang nagkanda-kilala ding manggagawang-siyentipiko-filosofo, at ang halos-sabay nilang pagdiskubre sa calculus ay patibay na sadya talaga ng Langit na ipagkaloob sa karunungan nating mga tao ang kasangkapang calculus nang sumapit ang kanilang siglo (ang ika-18/labinwalong dantaon).

Kadalasan, sadiya talaga ng Langit na anumang pasulong na hakbang sa agham ay nahahatid `di lamang ng isa, kundi ng dalawang sugo. Kung kaya't sa usapan ng relativity, bukod sa Aleman na si Alberto Einstein, nariyan naman sa France si Poincare. Nang minarapat ang pagkatuto ng lipi ng tao sa paulit-ulit na mga katangian ng mga pinaka-saligang sangkap ng kalikasan, hindi lang ang Ruso na si Dmitri Mendeleev ang nakapagpaliwanag nito, kundi isa ring Aleman, bukod sa kaniya.

Tungkol sa pag-ikot ng daigdig natin palibut sa araw, nagkamali si Ptolemy at ng sangkatauhang naniwala sa kaniya. Sina Copernicus at Galileo Galilei ang may tamang pananaw. Parehas malapit sa mga Santo Papa sina Copernicus at Galileo, nguni't mas tinamaan ng pagsusubok si Galileo sa kaniyang pakikipag-ugnayan sa Santo Papa noong panahon niya.


Isang baga ng agham ang matematikas. Ang math ay ang aralin ng mga dalumat na ginigiit sa bisa ng mga buklod, bilang, hangganan, aljibrahang paglalahad, pagsasaanyo, tumbasan, hugis at hubog. Ginagamit man kahit papaano ang mga buong pangungusap sa pagpapaliwanag ng math, hindi gaano pinakahahalagahan ang karaniwang lamang na pangungusap. Ang mga pangkaraniwang pangungusap ay kadalasa'y alalay lamang sa mga palakad ng mga tumbasan tumutungo sa kalutasan ng isang hinahabol na pagtutuklas-katapat. Kadalasan din naman taga-lahad lang ng mga lulutasin ang pangkaraniwang pangungusap. Ang mga pangkaraniwang pangungusap ay `di ang kakang-gata ng matematika--- ito'y isang nakausling katangian nito. Sa biology, naglalaman ng mga saligang detalye ang mga pangkaraniwang pangungusap. Ang biology nga ang siyang punong-agham na pinaka-nabubuhay sa pangkaraniwang pangungusap.

Ang calculus ay napakamahalagang ikinakalagitnaan ng mga naka-aaangat na uri ng agham. Sabi ni Carlos Sagan sa kaniyang aklat na The Demon-Haunted World (Ang Dinedemonyong Mundo), hindi lubusang mapapakinabangan ng isang mambabasa ang mga (Naka-Trilohiyang) Leksyon ni Ricardo Feynmann kung hindi siya bihasa sa calculus. Importante sa talakayan ni Feynmann ang konspeto ng divergence.

Ang calculus ay mey pinaka-batayang teorya na nagsasaad sa pagkakaroon ng angkop na definite integral para sa isang rehiyong natutukoy ng mga punksyonal na hubog.


Malimit mangyari sa isang larangan ng agham na mey isang pinapaniwalaan na maya't mayang nagagawang baligtarin ang tinatakda nito, upang isa-ayos ang pag-unawa nating mga tao sa Sansinukob na ibinuo ng Poong Maykapal.


Ang biology ay ang siyensiya ng buhay. Ipinagpaliwanag ni Ernst Mayr ang kabuluhan nitong biology. Maraming mga katangian daw ang biology na hindi maaring basta pagsabihan ng dalawang ibang haligi ng siyensiya: ang kem at ang piseks.

Piseks

Ang salitang physics ay mula sa Griyegong fusis. Ang mga nag-akda ng mga bantog na batayan para sa piseks ay sina Ricardo Finomano, Tipler, Giancoli at Urone. Naging ugali ng mga awtor ng mga piseks teskbuk ang halos magka-agapay na pagsusunod-sunod sa paglatag ng mga paksa bawat kabanata. Nariyan sa simula ang pagpapakilala ng iba't ibang uri at antas ng sukatan. Ang tatlong uri ng sukatan ay ang Imperyalista, ang de metro at ang cgs. Lahat ng agham ay may pinanaligan sa sukatan, maging ang biology man din. Maraming katanungan ang biology na hindi dumadaan sa lantarang pag-gamit ng bilang o matematika, nguni't kahit ang mga ito ay maiiugat din sa mga de-numerong mga ribersyon.

Dagitab at Batu-batong balani

Sabi ng Batas Ohm na ang koryente ay tapatang naka-ugnay sa agwat-kayang V. Mas buo ang madaliang kaalaman natin tungkol sa ugnayan, kapag bakal ang konduktor na nasa usapan. Para sa mga kawad (gaya ng yari sa tanso) ang agwat-kayang V ay mismo ang pag-ibayo ng katutol R nang ilang ulit I (kaugalia'y sinsusukat sa dimensyong amperes).

Gaano kalakas ang koryenteng dulot ng isang siyam-ka-Volts (9 V) na baterya kapag idinaan ito sa katutol na `sangdaang Ohms?

siyam na milliamperes, dahil ang koryente ay maitutumbas sa kina-Voltage-an nang hinati sa katutol (o res extensia).


http://www.sciences-en-ligne.com/momo/chronomath/accueil.htm http://amasci.com/emotor/statelec.html